Ang Iyong Maaasahang Kasama sa Bawat EV Journey
Maligayang pagdating sa opisyal na VinFast Philippines Blog, isang bagong espasyong ginawa para sa lumalaking komunidad ng mga VinFast owners at EV enthusiasts.
Habang patuloy na lumalawak ang VinFast sa Pilipinas, layunin naming maghatid ng mga makabagong electric vehicle sa bansa, pati na rin ng kaalaman, suporta, at isang komunidad na magpapadali, magpapaginhawa, at magpapasaya sa karanasan ng pagmamay-ari ng EV.
Sa blog na ito, makakahanap ka ng mga mapakikinabang na impormasyon, praktikal na gabay, at bagong balita mula sa VinFast upang matulungan ka sa iyong electric driving experience.
Ano ang Makikita Mo Rito?
Kilalanin ang Iyong EV
Makakuha ng malinaw at praktikal na gabay kung paano masulit ang iyong VinFast EV tulad ng mga feature ng sasakyan, charging, software updates, maintenance tips, hanggang sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon para sa araw-araw na pagmamaneho. Baguhan ka man sa electric vehicles o isa ng bihasang EV driver, tutulungan ka naming magkaroon ng sapat na kaalaman at kumpiyansa sa bawat biyahe.
Nandito Kami Para sa Iyo
Alamin ang tungkol sa mga customer support services, warranty programs, service initiatives, at ownership benefits ng VinFast. Patuloy naming ibabahagi ang mga update tungkol sa mga serbisyong ginagawa namin upang maging mas magaan at mas kapaki-pakinabang ang iyong ownership experience.
EV Life
Makakuha ng mga tips at inspirasyon diretso sa lumalaking EV community sa bansa. Tingnan kung paano mas nagiging hassle-free ang bawat lakad tulad ng araw-araw na commute, family outing, o kahit sa mga long-distance road trips sa pamamagitan ng electric mobility.
Mas Pinalalakas ang Aming Suporta, Kasama Ka
Ang blog na ito ay patunay ng aming patuloy na dedikasyon sa mga customer. Pinapalaki ng VinFast ang customer care presence nito sa Pilipinas para masigurong laging may handang tulong kapag kailangan. Bumubuo kami ng isang ecosystem na nakatutok mismo sa inyong pangangailangan sa pamamagitan ng mga praktikal na artikulo, ownership guides, at ng paparating na VinFast Care & Share community.
Sa mga susunod na linggo, ibabahagi rin namin ang mas marami pang impormasyon tungkol sa mga benepisyo ng pagiging VinFast owner, kabilang ang warranty programs, service support, at iba pang customer initiatives na available sa Pilipinas.
Maraming Salamat sa Pagsama sa VinFast Journey
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng VinFast journey.
Nasasabik kami sa mga darating na panahon at inaasahan naming maibahagi sa inyo ang mga bagong kuwento, maaasahang mga tips, at mahahalagang update bawat linggo.